TACLOBAN CITY – Patuloy pa rin na minomonitor ng mga otoridad ang isang 36-anyos na American national sa kabila ng pagiging negatibo nito sa novel coranavirus.
Ayon kay Lorrie Ruetas, Media Relations Officer ng Disaster Risk Reduction Management in Health Manager ng EVRMC, na magsasagawa pa ng karagdagang test ang Research Institute of Tropical Medicine (RITM) para sa posibleng strain ng coronavirus.
Sa ngayon ay nakalabas na ng hospital ang naturang lalaki matapos ang 14-day incubation period para sa naturang virus.
Napag-alaman na ang naturang American national ay nagtratrabaho bilang isang propesor sa Wuhan, China at lumipad patungong Tacloban noong nakaraang Enero 17 na nakakitaan ng influenza-like symptoms.
Sa ngayon ay nasa maganda na ang kondisyon ng naturang lalaki at wala nang nakikitang sintomas tulad ng sipon, ubo at lagnat.