-- Advertisements --

Inaresto ng Philippine National Police ang isang foreign national sa Dipolog Airport matapos ang panibagong kaso ng bomb joke.

Batay sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area Center 9,naganap ang naturang insidente ng bomb joke pasado alas 6 ng umaga kahapon.

Sinabi umano ng pasaherong lalaki sa kanyang asawa ang nasabing biro na dahilan ng kanyang pagkaka aresto.

Nakatakda sanang lumipad ang mag-asawa patungong Maynila nang mangyari ang insidente.

Tinanong kase aniya ng mga tauhan ng airport ang pasahero kung ano ang laman ng kanyang bahage at ang isinagot nito at atomic bomb.

Tumawag ka agad ng security ang airline staff bilang bahagi ng kanilang pag-iingat sa nasabing bomb joke.

Humingi nanam ng paumanhin ang nasabing pasahero ngunit sa kabila nito ay dinala sila sa pulisya para sa kaukulang kaso.