-- Advertisements --
Terrorist

DIPOLOG CITY – Napatay ng mga trop ang pamahalaan ang tatlong mga terorista kasama na ang isang foreign terrorist at dalawang miyembro ng Abu Sayaff group (ASG) sa nangyaring engkwentro sa Barangay Igasan, Patikul, Sulu.

Kinilala ang mga ito na sina alyas Yusop isang Egyptian national at Abu Khattab Jundullah alyas Saddam isa umanong trained bomb maker ng Abu Sayaff at isang alyas Akram.

Ayon kay 1102nd Infantry Brigade commander Col. Benjamin Batara, Jr., ang tatlong mga terorista ay mga tauhan ni Mudzrimar Mundi Sawadjaan na siyang nasa likod ng twin suicide bombing sa Jolo noong August 2020 at Jolo Cathedral bombing noong taong 2019.

Umabot umano sa 10 minuto ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig.

Nabatid na si Yusop ay anak umano ng suicide bomber na si Siti Aisyah na siyang responsable sa suicide attack noong September 2018 na namatay naman matapos ang nangyaring shootout sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu.

Patikul sulu

Nagbuluntaryo umano itong maging suicide bomber nang umanib kay ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Narekober naman ng tropa ng gobyerno ang tatlong klase ng armas na kinabibilangan ng M653, M203 at R4, ilang mga magazines, dalawang bandoliers at ilang mga personal na kagamitan sa encounter site.