-- Advertisements --

Nagbabala ang pamunuan ngASEAN Security Task Force sa mga foreign tourist na kasalukuyang nasa bansa na huwag makisali sa mga kilos protesta.

Ayon kay C/Supt. Noel Baraceros na sinumang banyaga na lalahok sa kilos protesta mahaharap ito sa agarang deportation.

Umaasa ang mga otoridad na sumunod ang mga ito sa batas ng Pilipinas at maging sa rules nito.

“We would like to remind our foreign tourist not to take part in any protest action as this will serve as ground for immediate deportation,’ pahayag ni Baraceros.

Muling umapela ang ASEAN Security sa publiko at maging sa militanteng grupo na maging mahinahon dahil binibigyan naman sila ng karapatan na ihayag ang kanilang saloobin.

Siniguro naman ni Baraceros na mahigpit nilang ipinapatupad ang maximum tolerance sa mga raliyesta pero sa sandaling umabuso na ang mga ito ay kailangan din nila ipatupad ang nararapat.

Muling binigyang diin ng heneral na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone ang mga pulis na naka detail sa ASEAN Summit.

Ito ay para hindi ma compromise ang seguridad ng mga bisita.

Umapela si Baraceros sa mga pulis na tutukan ang kanilang mga trabaho.