-- Advertisements --

Hawak ngayon ng coast guard authorities sa bansang Iran ang 12 Pinoy crew ng isang foreign tugboat na nahuli sa Persian gulf.

Batay sa ulat, pinaghihinalaang smuggled na krudo ang lulan ng naturang sasakyang pandagat.

Inaalam pa ng mga otoridad kung anong estado ang may-ari ng nahuling vessel.

Pero sa inisyal na pagtatala, aabot sa 284,000 liters ng diesel ang bitbit ng barko.

Kilala ang Iran bilang isa sa mga bansang nagbebenta ng murang langis dahil sa higpit ng kompetisyon sa iba pang oil producing countries sa gitnang silangan.

Sa datos ng mga otoridad sa Iran, nasa 10-million liters ng langis ang iligal na inaangkat kada araw kaya ganon na lang kahigpit ang batas ng kanilang bansa kontra sa oil smuggling.

Sa ngayon patuloy na nakikipag-coordinate ang Department of Foreign Affairs sa Philippine Embassy sa Tehran para sa lagay ng mga nahuling Pilipino.(Reuters)