Isinusulong ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang mahigpit na implimentasyon ng pagbubuwis sa Chinese workers na nasa Pilipinas.
Ito ang isa sa nakikitang paraan ni Recto para mapunan ang target collection ng bansa, para mapondohan ang mga mahahalagang proyekto ng gobyerno.
Ibinatay ng senador ang panukala sa pahayag ni Finance Sec. Carlos Dominguez na tinatayang P2 billion kada buwan ang malilikom kung makukuha ng Bureau of Internal Revenue (BIR) tamang buwis sa 100,000 offshore gaming workers.
Dagdag pa ng mambabatas, hindi lamang sa online gaming business ang buhos ng mga Tsino ngayon kundi maging sa iba pang industriya, kagaya ng construction.
Giit din nito na obligahin ang foreign workers na magkaroon ng SSS, Pag-IBIG at PhilHealth contributions, kagaya ng sinusunod ng ibang manggagawa.