Binigyang-diin ng Malacañang na walang dapat ikabahala o hindi dapat makita ng mga Pilipino bilang kakompetensya sa trabaho sa Pilipinas ang mga foreign nationals.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa isusulong na joint memorandum circular ng Department of Labor and Employment (DOLE) para maayos ang mga patakarang susundin ng mga foreign nationals na nais magtrabaho sa bansa.
Sinabi ni Sec. Panelo, tulad ng una nang inihayag ng DOLE, tanging ang mga highly technical positions lamang at mga hindi kayang gampanan ng mga Pilipino ang mga trabaho sa bansa na bukas para mga foreign nationals.
Sa industriya naman ng Philippine Online Gaming Operations (POGO), language barrier naman umano ang dahilan kung bakit karamihan ay Chinese nationals ang nais ng mga employers.
Inihayag din ni Sec.Panelo na dapat mag-comply ang mga nagtatrabahong foreign nationals dito para hindi sila maging subject ng deportasyon.