-- Advertisements --

Simula bukas, March 28, ihihinto na ng pamahalaan ang pagtulong sa mga dayuhan na magtatangkang lumusot sa quarantine checkpoints papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa isang online post, kung saan sinabi nito na ipapaabot niya sa mga embahada ang naturang anunsyo.

“I will announce to the foreign embassies that tomorrow is the last day we do humanitarian missions to take foreign tourists to our international airports where they can take sweeper flights organised and paid for by their governments.”

“They can still leave the country anytime.”

Ayon kay Locsin, dapat mabatid ng ibang estado ang pasanin na kailangan ikonsidera ng Pilipinas para lang ihatid ang mga dayuhan, sa gitna ng krisis sa COVID-19.

“We will stay steadfast in our shared aim to get those out who want to go but the main burden will have to be born by their embassies and home governments.”

Nilinaw naman ng kalihim na tutulungan pa rin ng DFA ang mga dayuhan na nahiwalay sa kanilang grupo at makikipag-usap sa local government units para makalusot sa quarantine.

“Of course if I can I will rustle up rich friends to help get them out but my friendships are wearing thin; my friends have their own problems.”

Dagdag pa ni Locsin, asahan na walang parusa na matatanggap ang foreigners na mage-exceed ng kanilang visa at papayagana ng mga gustong umalis ng Pilipinas.