-- Advertisements --
Pinayuhan ni boxing legend George Foreman ang kapwa nitong retired boxer na sina Mike Tyson at Roy Jones Jr. na kanselahan na ang kanilang laban.
Sinabi nito, nangangamba siya sa kalulsugan ng dalawa.
Dagdag pa nito na dapat mag-isip na lamang ang dalawa ng ibang paraan para makatulong sa charity para sumaya ang mga matutulungan niya.
Aminado rin ang 71-anyos na si Foreman na binalak niyang bumalik sa boxing noong ito ay nasa edad 55 subalit ito ay pinigilan ng kaniyang asawa.
Magugunitang nagkasundo ang 54-anyos na si Tyson at 51-anyos na si Jones na magharap sa 8-round exhibition boxing sa Setyembre.