-- Advertisements --

COTABATO CITY- Dead on arrival sa isang pagamutan sa bayan ng Aleosan ang isang Foreman habang sakay ito ng isang Bongo elf sa National Highway ng Barangay Batolawan sa bayan ng Pikit North Cotabato alas 9:20 ng umaga kahapon May 25,2021.

Ang biktima ay kinilalang si Exedos Namoc, 47 years old residente ng Matina Davao City na isang Foreman ng isang Construction Company sa North Cotabato.

Ayon sa mga otoridad, anim silang lahat na sakay ng naturang sasakyan at tangin si Namoc lamang na nakasakay sa Frontseat ang pinagbabaril ng mga suspect na sakay ng motorsiklong walang plaka.

Agad namang dinala ng kanyang mga kasama ang biktima sa Aleosan District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doctor.

Ang biktima at ang mga kasamahan nito ay patungo sana sa kanilang proyekto sa bayan ng Tulunan.

Samantalang may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang tinitignang aggulo ng mga otoridad.