-- Advertisements --
dr raquel fortun
Dr. Raquel Fortun, forensic pathologist

Nagdadalamhati ang forensic expert kaugnay sa malalang kalagayan ng mga bangkay ng mga patay na bilanggo sa loob ng isang punerarya.

Inihayag ni Forensic pathologist Dr. Raquel Fortun nakita niya sa loob ng Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City ang daan-daang mga “unclaimed bodies” ng mga namatay na inmates sa loob ng New Bilibid Prison.

Aniya, nasa 50 bangkay lamang ang “suitable for examination” habang ang iba ay “mummified” na.

Napag-alaman na nananatiling nasa 166 na bangkay ang “unclaimed” sa loob ng funeral home.

Nang makita ang kalagayan ng mga labi, sinabi ni Fortun na marami pang dapat ayusin sa sistema para sa dignidad ng mga patay.

Maaaring magsimula ang autopsy sa susunod na linggo at ang pagsusuri sa lahat ng 50 bangkay ay maaaring tumagal ng isang buwan, marahil sa Philippine General Hospital.