-- Advertisements --
Naaalarma ngayon ang mga residenteng naninirahan malapit sa Mt. Arayat sa Pampanga nang dahil sa sumiklab na forest fire sa bahagi ng naturang bundok.
Batay sa initial report ng Bureau of Fire Protection Magalang, nagsimula ang naturang sunog sa itaas na bahagi ng Barangay Baliti, Arayat.
Tinatayang aabot sa 18 ektarya ng lupa ang nasunog kabilang na ang ilang private property at ilang bahagi ng protected forest reservation area ng nasabing bundok.
Wala namang naitalang sugatan ang mga otoridad kaugnay sa naturang insidente at kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kinauukulan upang alamin ang posibleng naging sanhi ng pagsiklab ng nasabing forest fire.