-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pursigido ang pamilya ng isang forest ranger na kasuhan ang apat na mga responsable ng pagbaril-patay nito kagahapon.

Naila ang biktimang si Marianito Rufano, residente ng Brgy. Bayugan 3, Rosario, Agusan del Sur at nadestino sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Bunawan.

Sa eksklusibong pakighinabi sa Bombo Radyo Butuan, inihayag ni CENRO-Bunawan Jerome Albia na nangyayari ito dakong alas-2:30 kahapon ng hapon nang pa-uwi na sana mula sa dalawang araw nilang operasyon.

Sa siyam na mga naglunsad ng operasyon, una umanong umalis ang biktima kungsaan pinara ito ng noo’y hindi pa kilalang mga armadong lalaki at dito na sinaksak at binril ngunit nakaganti pa ang biktima kungsaan dalawa sa mga suspek ang nagawa na nitong tamaan.

Dito na sumuko ang dalawang iba pa sa pinakamalapit na detachment habang sa police station naman ang isang iba pa.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre 45 na pistola at limang mga bala at isang bolo.

Susuportahan naman ng CENRO-Bunawan ang na-iwang pamilya ng biktima sa aspetong legal lalo na’t nangyari ang kremin habang ito’y nasa tour of duty.