-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nilinaw ni Larry Collin na hindi investment company ang Forex Trading Philippines.

Ayon kay Collin, hind sila konektado sa Forex companies na naglipana sa Mindanao na nag-aalok ng investment na may 500 percent interest rate.

Ayon sa founder at chief executive officer (CEO) ng Forex Trading Philippines, sila ay foreign exchange educational resources na nagsasagawa ng mga libreng trading trainings, seminars at workshops.

Hindi raw nila trabaho ang mag-alok ng anumang investment kaya hindi rin daw sila tumatanggap ng anumang bayad para rito.