-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Bumuo ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Cordillera ng isang programa para sa mga preso sa buong Cordillera Administrative Region.

Ayon kay Jail Chief Inspector April Rose Ayangwa at pinuno ng Welfare Development Division ng BJMP-Cordillera, maraming pangangailangan ang mga preso gaya na lamang ng mga gadgets lalo na ngayong panahon ng pandemya

Dahil dito, inilunsad ang “forget me not program” para makaipon ng pondo na gagamitin sa pagbili ng mga gadgets na maaaring gamitin ng mga preso para sa electronic dalaw o e-dalaw.

Ipinaliwanag ni Ayangwa na kailangan ng mga preso ang electronic dalaw para manatili ang kanilang morale at ang kanilang kooperasyon sa bilangguan.

Nagsasagawa din ang BJMP ng legal assistance, educational at behavioral intervention, jail industry, inter faith at iba pang programa para sa mga preso.