-- Advertisements --

Binago ng Commission on Elections (Comelec) ang format ng susunod na presidential debate na gagawin sa Linggo.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na magkakaroon ng isang general question na sasagutin ng lahat ng kandidato sa unang segment.

Hahatiin naman ang mga kandidato sa tig-tatlo kada grupo at magdebate sila sa tanong sa susunod na segment.

Ang bawat kandidato ay magkakaroon ng dalawang minuto na sumagot at 30 segundo para sa rebuttal.

Bibigyan naman ng 1 minuto ang bawat kandidato para sa kanilang closing statement.

Ang paparating na debate ang ikalawa sa 3 presidential debate na inorganisa ng Comelec para sa 2022 halalan.

Sa lahat ng kandidato, tanging si Ferdinand “Bongbong” Marcos lang ang kandidatong hindi dumadalo sa mga debate.