GENERAL SANTOS CITY – Isang malaking karangalan para sa mga atletang Pinoy na kakatawan sa Pilipinas sa Olympic games.
Ito ang ibinunyag ni Bombo Correspondent Henry Dagmil, isang Former Olympian.
Magiging susi aniya ang lahat ng pagod, sakripisyo at paghihirap sa training sa tuwing sasabak sa laro alang-alang sa pagmamahal sa bayan.
Dagdag pa nito, ang karanasang makasali sa isang Olympics ay walang kapantay.
Aniya sigurado siya na ibibigay ng 22 magagaling na mga atletang Pinoy ang lahat para sa Paris Olympics na magsisimula na bukas.
Si Dagmil ay ang pambato ng Pilipinas noon sa long jump event kung saan naging kalahok siya sa 2008 Beijing Olympics.
Siya pa rin ang kasalukuyang may hawak ng Southeast Asian Games Record sa Men’s Long Jump na may 7.87m sa 2007 edition Nakhon Ratchasima sa Thailand.