-- Advertisements --
Ibinunyag ng dating Miss Universe Gloria Diaz na sa kanyang edad na 73 years old ay in relationship ito sa mas bata sa kanya.
Aniya, sila ay magkasintahan sa loob ng 28 years.
Ginawa nito ang kumpirmasyon sa isang press conference para sa kanyang horror movie.
Tinukoy ni Diaz ang kanyang kasintahan na si Michael O. De Jesus na presidente at CEO ng isang bangko.
Nang tanungin ito kung kumusta ang kanilang relasyon kaagad nitong sagot ay “It’s super good!”.
Aminado ang beauty queen na mas bata sa kanya ang kanyang kasintahan .
Samantala, wala namang balak pa na magpakasal si Diaz dahil sa edad nito.