Hindi consultant ng Office of the President o ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC si dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Marrie Badoy.
Ito ang paglilinaw ni Navotas Rep. Toby Tiangco, nang matanong ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas;
Sinabi ni Tiangco, bilang pangulo ng bansa, nasa supervision ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang NTF-ELCAC ngayon.
Inusisa naman ni Brosas kung ano nga ba ang opisyal na designation ni Badoy, na nagsasabi raw na nasa NTF-ELCAC pa rin.
Sabi rin kasi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nasa “national” daw si Badoy, at noong tinananong pa kung nasa “payroll” ba ito ng gobyero, wala naman daw.
Pero tugon ni Tiangco, si Badoy ay hindi consultant ng Office of the President o kahit ng NTF-ELCAC.
Sinabi ni Brosas na magandang malinawagan ito, sa gitna ng kontrobersiya kay Badoy.
Kahapon ay naglabas din aniya ang Korte Supreme ng “warning” o babala kasunod ng post sa social media ni Badoy laban kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar na nagbasura sa “proscription case” ng gobyerno na nagpapadeklara sa Communist Party of the Philippines o CPP-NPA bilang teroristang grupo.