Nagpaabot nang pakikiramay si dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District representative at Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pamilya ng yumaong Filipina track and field legend Lydia de Vega.
Inilarawan ng dating pangulo na isang malaking kawalan sa bansa ang pagpanaw ng tinaguriang ” fastest woman in Asia” dahil sa inangat nito ang Philippine sport sa world map at nagbigay ng maraming karangalan sa ating bansa.
Umaasa din si Arroyo na ang tagumpay ni De Vega ay magsilbing inspirasyon sa mas marami pang Pilipino sa larangan ng sports.
“Lydia “Diay” de Vega-Mercado’s demise is a big loss to us. “Dubbed “the fastest woman in Asia”, she put Philippine sports on the world map and brought much honor to our country. She will long be remembered by the nation,” ani Arroyo. “She will long be remembered by the nation. May her achievements motivate other Filipino athletes to aspire for excellence in their chosen sport.”
Una nang inanunsiyo ng anak ni De Vega ang pagpanaw ng Philippine sports icon at track and Asian field star dahil sa komplikasyon mula sa breast cancer.