-- Advertisements --

Nagpaabot ng pasasalamat si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Iglesia ni Cristo (INC) sa pag-oorganisa ng “National Rally for Peace” nitong Lunes.

Matatandaang dinaluhan ito ng mahigit isang milyong miyembro ng grupo, batay sa pagtaya ng mga otoridad.

Sinabi ng dating pangulo na ang naturang rally ang kinakailangan ngayon ng bansa at hindi ang mga hakbang para sa anumang impeachment.

“I would like to thank Ka Eduardo Manalo and the Iglesia ni Cristo for organizing and mobilizing its members in today’s Prayer Rally for Peace,” wika ni Duterte.

Aniya, hindi kailangan ang pagkakabaha-bahagi kundi pagkakaisa lamang ang dapat na hakbang para sa ikabubuti ng sambayanan.

“This is what our country needs in these critical times. Not impeachment. Not waste of government resources. Not self-serving schemes. Not divisive action. We must unite. We must move forward as one. We must serve the people,” saad pang ng dating lider.

Maliban dito, kinilala rin niya ang mga grupo at indibidwal na nagpapakita rin ng malasakit para sa kapakanan ng bansa.

“I would like to thank all the groups and individuals who have the best interests of our country and our people in their hearts for showing up to be counted all over the country.

Aniya, bawat partisipasyon ng mga kabahagi sa mapayapang aksyon ay malaking pagmamalasakit para sa lipunan.

“Their participation in the Prayer Rally shows that they know and care for what is happening in our country today,” pahayag pa ng dating presidente.