-- Advertisements --
image 448

Inihayag ni dating Senator Leila de Lima na patuloy niyang ipaglalaban ang kanyang pagiging inosente laban sa kanyang mga kaso pati na ang hustisya para sa mga extrajudicial killings sa bansa.

Ito ay inihayag niya at minarkahan ang kanyang ikaanim na taon sa pagkakakulong dahil sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na droga.

Aniya, siya ay kumbinsido na ginawa raw niya ang tamang bagay na isakripisyo ang kanyang personal na kalayaan at maging ang karera nito sa pulitika sa ating bansa.

Dagdag pa dito, ang dating Senadora ay naniniwala umano na malapit na ang kanyang vindication sa kinakarap niyang mga kaso partikular na laban sa iligal na droga.

Kung maaalala, inakusahan siya ng pagbibigay-daan sa kalakalan ng droga sa national penitentiary para mapondohan umano ang kanyang kampanya sa pagkasenador noong 2016.