Nakalabas na ng pagamutan si dating US President Bill Clinton.
Nitong Lunes kasi ay itinakbo sa MedStar Georgetown University Hospital ang 78-anyos na si Clinton matapos na madapuan ng trangkaso.
Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Angel Urena na naging maganda ang ginawang medical test sa dating pangulo.
Pinasalamatan nito ang nagparating ng pagdarasal para sa agarang pagpapagaling ng dating pangulo.
Ang pang-42 na US President mula 1993 hanggang 2001 ay dumanas na at nagkaroon ng mga heart issues na nooon.
Taong 2004 noong edad 58 ito ay sumailalim na ito ng quadruple bypass surgery matapos na makita ng doctors ng senyales ng extensive heart disease.
Matapos ang 10 taon ay may pagbara sa kaniyang artery kaya ito ay binuksan matapos na makaranas ng pananakit ng dibdib.