-- Advertisements --
Itinakbo sa pagamutan si dating US President Bill Clinton.
Sinabi ni Angel Urena ang deputy chief of staff ni Clinton, na walang dapat ipag-alala dahil mabuti naman ang lagay ng dating pangulo.
Sumasailalim lamang siya sa mga ilang teesting at observation matapos na matrangkaso.
Ang 78-anyos na dating Pangulo ay nasa kaniyang bahay sa Washington ng makaramdam ng trangkaso kaya ito ay dinala sa MedStar Georgetown University Hospital.
Taong 2004 ng sumailalim na ang dating pangulo sa quadruple bypass heart surgery at taong 2010 ay mayroong dalawang stents ang naipasok sa bukas na artery nito.
Na-ospital na rin ito noong 2021 ng kumalat ang infection sa kanilang dugo.