-- Advertisements --
image 443

Inaasahan na niformer-US President Donald Trump ang pag aresto sa kanya sa martes, kung kaya nanawagan siya sa kanyang mga taga-suporta ng protesta.

Ang 76-year old na si Trump ay nauugnay sa pagbabayad sa isang porn star bago ang 2016 election.

Pinili ni Trump na gamitin ang kanyang sariling platform ng higit sa dalawang taon matapos siyang ma-ban dahil sa kaguluhan sa US Capitol.

Sa pangunguna ni Manhattan district Atty. Alvin Bragg, nasa $130,000 umano ang binayaran sa 2016 polls para pigilan si Stormy Daniels mula sa pagsasabi sa publiko tungkol sa namamagitan sa kanila ni Trump taon na ang nakaraan.

Mariin namang itinanggi ni Trump ang pagkakaroon ng relasyon kay Daniels at ibinasura ang imbestigasyon na may motibo sa pulitika.

Noong Lunes, narinig nila ang dating abogado at fixer ni Trump na si Michael Cohen, na nagbayad kay Daniels kung kaya na- sinentensiyahan siya ng tatlong taong pagkakakulong.

Umamin siya ng guilty ngunit sinabi niyang tinutupad lamang niya ang mga utos ni Trump.

Sa ngayon si Trump ay nahaharap sa ilang kriminal na kaso sa antas ng estado at pederal dahil sa posibleng maling gawain sa panahon at pagkatapos ng kanyang termino sa panunungkulan na nagbabanta sa kanyang bago ang pagtakbo sa White House.