-- Advertisements --

Nakahanda na ang mga Pilipino sa America sa nalalapit na US Presidential Election sa November 3 sa pagitan nina US President Donald Trump at former US Vice President Joe Biden.

Sa panayam kay Bombo International News Correspondent Jun Villanueva na tubo ng La Union at naninirahan na sa California USA, sinabi nito na mainit ang halalan sa pagitan ng Republican candidate at Democratic candidate.

Ayon sa kanya, 34 milyong mga Americano na ang nakaboto sa mail voting.

Base sa datos, abanse ni Biden kung ihahambing kay incumbet US President Trump kung saan may 13 milyon ng nakaboto para sa Democratic nominee.

Samantala, ayon naman sa tagapagsalita ng Republican candidate na kaya nilang habulin ang pagiging popular ng Democratic candidate na si Biden.

Si Kamala Harris naman ang running mate ni Biden na tatakbo bilang Vice President ng America.