Nagpositibo sa COVID-19 si Formula One racer Lewis Hamilton.
Ayon sa kaniyang Mercedes team na naka-self-isolate na ang Formula One world champion.
Tiniyak naman ng kaniyang koponan na malusog ito at walang anumang sintomas.
Tatlong beses itong sumailalim sa pagsusuri noong nakaraang linggo kabilang ang pagsali niya noon sa Bahrain International Circuit nitong Linggo kung saan nagnegatibo naman ito.
Pagkagising ng 35-anyos British dirver nitong Lunes ay mayroon na itong mild symptoms at agad na ipinaalam sa kani ya na nagpositibo sa coronavirus ang isa sa kaniyang nakasalamuha bago dumating sa Bahrain.
Sa kaniyang social media, labis ang kalungkutan nito dahil sa hindi siya makakasama sa Sakhir Grand Prix na gaganapin ngayong linggo.
Magugunitang mayroong 95 panalo si Hamilton sa kaniyang career.
Bukod kay Hamilton ay nagpositibo sa COVID-19 noong Hulyo ang Mexican driver na si Sergio Perez at Canadian Lance Stroll noong Nobyembre.