-- Advertisements --
Kinansela ng organizers ng Formula 1 racing ang kanilang torneo sa Emilia-Romagna region dahil sa labis na pag-ulan sa Italy.
Nasa mahigit 5,000 katao na kasi ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha sa nasabing rehiyon.
Ayon sa mga otoridad na mayroong 14 na kailugan ang umapaw dahil sa ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan.
Hindi naman ng tiyak ng organizers kung kailan muli nila itutuloy ang nasabing karera sa nasabing lugar.