-- Advertisements --

Ipinagpaliban ng Vietnam ang kauna-unahang Formula One Grand Prix dahil sa coronavirus.

Nakatakda sana ito sa Abril 5 sa Hanoi.

Ito na ang pangatlong karera ng season at kauna-unahang magaganap sa Vietnam.

Ang nasabing desisyon ay napagpasyahan sa pagitan ng Formula One World Championship Ltd. , People’s committee ng Hanoi at VMA.

Magugunitang noong nakaraang taon ay pumirma ang Vietnam ng 10 taon ng Formula One hosting kung saan handa silang gumastos ng $60 millon kada taon.

Nakahanda na rin ang 5.65 kilometers ang na race tracks sa Hanoi.

Umaabot na kasi sa 45 ang kaso ng COVID-19 sa Vietnam.

Bukod sa Vietnam ay kinansela na rin ng Bahrain ang hosting din nito ng F1 racing dahil sa banta rin ng nasbing virus.