-- Advertisements --

Nagsama ang mga medical researchers at engineers sa Formula One outfit Mercedes para gumawa ng breathing aid ng mass production ng ventilators para sa mga nadapuan ng coronavirus.

Ayon sa University College London na inaprubahan ng UK regulators ang nasabing paggawa ng continuous positive airway pressure device (CPAP) na makakatulong sa mga pasyente na hirap makahinga.

Ang nasabing bersiyon ng gamit ay ginagamit na sa ilang mga pagamutan sa Italy at China.

Dagdag pa University College London Hospital na malaki ang tulong ng nasabing breathing aparatus.