Pumanaw na ang may-akda ng nobelang Forrest Gump na si Winston Groom sa edad 77.
Kinumpirma ito ni Alabama governor Kay Ivey, ang kamatayan ni Groom subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.
Sa kaniyang Facebook post, labis ang kalungkutan ng governor dahil sa pagiging talented journalist at kilalang author sa kasaysayan ng Amerika.
Tinawag naman ng Alabama University si Groom bilang “one of our legends”.
Pumasok si Groom sa Army at matapos ang tour of duty nito sa Vietnam War ay nagtrabaho siya bilang reporter.
Sinulat niya ang “Forrest Gump” noong 1985 at inilabas ang libro nito matapos ang isang taon.
Taong 1994 ng isapelikula ang libro nito na pinagbidahan ni Tom Hanks.
Nagwagi ang “Forrest Gump” ng anim na Oscars award kabilang ang best film at actor at tatlong Golden Globes.
Kumita ang pelikula ng $683 milyon sa direksyon ni Rober Zemeckis.