Hindi naitago ng Fosun Group mula China ang kanilang pagkadismaya matapos bigong isalba ng 178-year old British travel na Thomas Cook ang kanilang kumpanya.
Ang Fosun Group ang pinaka-malaking shareholder ng naturang British travel firm sa loob nang mahabang panahon.
“Fosun is disappointed that Thomas Cook Group has not been able to find a viable solution for its proposed
“Fosun confirms that its position remained unchanged throughout the process, but unfortunately other factors have changed.”
“We extend our deepest sympathy to all those affected by this outcome.”
Nagdeklara ng bankruptcy ang Thomas Cook ngayong araw kung saan libo-libong flight schedules ang nakansela.
Sa ngayon mayroong halos 150,000 UK travellers ang stranded sa iba’t ibang panig ng mundo at 9,000 empleyado naman ang mawawalan ng trabaho dahil dito.
Ginawa ang naturang anunsiyo matapos magpulong ang mga opisyal ng paliparan upang subukan na isalba ang tinaguariang “world’s oldest holiday company.”
Nakatakda namang maglunsad ng pinaka-malaking peacetime repatriation ang paliparan upang makauwi ang mga pasahero na na-stuck sa ibang bansa.