LAOAG CITY – Ipinaalam ni PLt. Col. Adrian Gayuchan, hepe ng Philippine National Police-Batac na walang nakikitang foul play sa bangkay ng lalaki na natagpuan sa kakahuyan ng Brgy. Bungon, Batac City.
Una rito, sinabi ni Gayuchan na ang biktima ay 43-anyos, may asawan, walang trabaho at residente sa nasabing barangay.
Aniya nalaman nila ang insidente matapos makatanggap ng kanilang himpilan ng report hingil sa isang residente na kukuha sana ng sampalok ngunit nakita nito ang bangkay ng biktima.
Kaugnay nito, ipinalaam ni Gayuchan a base sa resulta ng eksaminasyon ng mga doktor sa bangkay ng biktima ay namatay ito dahil sa acute myocardial infarction at alcoholic liver disease.
Dagdag niya na pareho ito sa kwento ng kanyang ina kung saan napag-alaman din na matagal ng nalulong sa alak ang biktima.
Nalaman na pauwi n asana ang biktima mula sa inuman sa kanilang barangay noong Pebrero 5 ngunit hindi na nakadating sa kanilang bahay dahil sa pagkamatay nito.
Samantala, walang plano ang pamilya ng biktima na isailalim sa otopsiya ang bangkay nito.