GENERAL SANTOS CITY – Inihahanda ng mga otoridad ang kasong rape with homicide laban sa mga suspek na posibleng sangkot sa pagkamatay ng isang flight attendant na taga General Santos City.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Gensan kay PCol. Harold Depositar ng Makati Police, napag-alaman na sa isinagwang autopsy, ‘brain aneurysm’ umano ang ikinamatay ng biktima.
Nakita rin ang lacerations sa kanyang ari, mga pasa at gasgas sa binti kaya naman inihahanda na ang naturang kaso laban sa mga nakasama ni Christine Dacera sa isang party.
Una rito dinala pa sa ospital ang biktima matapos matagpuang walang malay sa bath tub sa isang hotel sa Makati.
Subalit ito’y idinekalarang patay ng mga doktor.
Sa ngayon nasa Maynila ang magulang ni Christine dahil inaasikaso ang pag-usad ng kaso at pagpapauwi ng bangkay ng kanilang anak.