-- Advertisements --
Pumanaw na ang founder ng sikat na salon na David’s Salon na si David Charlton sa edad na 69.
Kinumpirma ito ng Creative Director ng salon na si Laura Charlton.
Magsisimula ang burol sa Oktubre 30 at ang huling misa sa gaganapin sa Nobyembre 3 sa Heritage Park, Taguig.
Isinilang si Charlton sa Suderland sa Tyne and Wear, England.
Dumating siya sa bansa noong 1978 at itinaguyod ang David’s Salon noong 1989.
Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 200 na branches sa bansa.