BUTUAN CITY – Tuluyan nang kinasuhan ng syndicated estafa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Caraga ang founder at may-ari ng Forex Trading na si Dimber de la Cruz Celis at 16 iba pang indibidwal.
Ito ay matapos na manumpa ang 27 mga Forex Trading investors sa kanilang pahayag habang patuloy namang kinukuhanan pa rin ng salaysay ang 114 iba pang complainants.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni CIDG-Caraga regional chief Cholijun Caduyac na patuloy rin silang nangangalap ng mga ebidensya upang mapatibay pa ang kasong syndicated estafa laban sa mga opisyal ng Forex Trading, na patuloy pa ring hinahanap ng mga otoridad.
Nabatid na ang mga complainants laban sa naturang investment scheme ay nagmula pa sa mga lalawigan sa Agusan del Sur at Agusan del Norte, Butuan City; pati rin sa Tagum City, at Mati City; at mga bayan sa Davao del Norte at Davao Oriental.
Pinakamalaking investor sa Forex ay nag-pay in ng P131-M.