GENERAL SANTOS CITY – Pinabulaanan ng founder ng NMC Trading isang investment scheme na nag operate sa Gensan, Sarangani at South Cotabato na hindi siya nagtatago subalit naghahanap lamang ng solusyon para maibalik ang pera ng mga investor.
Ito ang sinabi ni Jun Sanchez matapos nawala ng iilang buwan at pinaghahanap ng kanyang mga investors.
Pinabulaan nito na nagtago na sa abroad subalit nandito lamang umano siya sa Pilipinas subalit hindi lalantad dahil sa kanyang siguridad.
Sinabi pa nito na noong Mayo 25 nagbayad ng mahigit P1B sa mga investor at mula nuon wala nang perang pumasok ..
Dagdag pa nito na hindi ipinasok ng kanyang mga lider ang nakolektang salapi galing sa mga investor dahil nilagay umano sa ibang investment scheme na lingguhan kung magbibigay ng 400% na tubo.
Ang salapi umanong bitbit niya galing sa mga investors ang nilagay niya sa dalawang foreign trading para lumaki at maibalik ang capital sa mga nag invest at maibalik ito sa luob ng isang taon.
Matatandaan kagabi niransak ng mga residente ang bahay na pagmay-ari ng Ina nito at kinuha ang mga gamit na nagresulta sa pagkahospital ng matandang Sanchez.
Ang NMC Trading isang investment scheme na nagbigay ng 400% na tubo sa bawat buwan.