-- Advertisements --

Pumanaw na ang founding member ng ’70’s at ’80s pop group na Kool and the Gang na si Ronald Bell sa edad 68.

Kinumpirma ng US Virgin Island record ang pagpanaw ni Bell sa kaniyang bahay subalit hindi na nila binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.

Itinaguyod nito ang banda noong 1964 kasama ang kapatid nitong si Robert “Kool” Bell.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Celebration”, “Ladies’ Night” at “Get Down On It”.

Ginamit din ang kanilang kanta sa ilang pelikula na kinabibilangan ng “Saturday Night Fever” kung saan nakatanggap silang Grammy award noong 1978 at ang pelikulang “Pulp Fiction”.

Natutunan nitong tumugtog ng saxophone kung saan itinayo niya ang grupo sa New Jersey kasama ang kapatid at mga kaklase na sina Dennis Thomas, Robert Mickens, Charles Smith, George Brown at Ricky West.