-- Advertisements --

Pumanaw na ang founding member ng bandang Train na si Charlie Collin sa edad na 58.

Ayon sa ina nito, nadulas at nahulog ito sa shower habang nakikitira sa bahay ng kaibigan nito sa Brussels, Belgium.

Nalaman lamang ang pagkamatay ng singer pagkauwi ng kaibigan nito mula sa biyahe matapos ang limang araw.

Lumipat ng Brussels si Charlie dahil ito ay nagtuturo ng music master class sa isang conservatory.

Nagtatrabaho din ito sa studio at may tinatapos na kanta para sa isang pelikula.

Binuo nito ang banda sa San Francisco kasama ang ka-banda na sina Pat Monahan, Rob Hotchkiss, Jimmy Stafford at Scott Underwood.

Sumikta ang grupo noong 1998 kung saan ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Drops of Jupiter”, “Meet Virginia”, at “Hey Soul, Sister”.