-- Advertisements --

Pumanaw na ang singer, guitarist at founding member ng The Osmonds na si Wayne Osmond sa edad na 73.

Sinabi ng kaniyang kapatid na si Merril na namayapa ang kapatid sa Salt Lake City hospital matapos dumanas ng “massive stroke”.

Siya ang pang-apat sa siyam na magkakapatid na isinilang sa Ogden, Utah.

Noong dekada 50 ay bumuo silang magkakapatid na sina Wayne, Alan, Merril at Jay ng banda.

Lalo silang sumikat noong 1960 dahil sa suporta ng singer na si Andy Williams.

Itinuturing na sila ang katapat noong The Jackson 5 matapos na sumali ang isa pa nilang kapatid na si Donny na pantapat sa lead singer ng Jackson 5 na si Michael Jackson.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “One Bad Apple”, “Yo-Yo” at “Down By the Lazy River”.