-- Advertisements --

Ipapatupad na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.

Alinsunod sa inilabas na Memorandum Order No. 41-2002 ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ipatutupad ang nasabing work hours ng mga staff ng Supreme Court mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.

Hahatiin sa dalawang schedule ang mga empleyado ng nasabing kagawaran: isang grupo na papasok sa opisina mula Luners hanggang Huwebes, habang ang isang grupo naman ay papasok sa opisina mula Martes hanggang Biyernes.

Tutukuyin ng SC justices ang bilang at schedule ng kanilang mga staff na papasok on-site habang ang mga Chiefs of Offices/Services at kanilang assistants ang tutukoy kung sino sa kanila at sa kanilang mga tauhan ang mapapabilang sa bawat pangkat, na maaari rin naman na maging rotation basis.

Samantala, nilinaw naman ng SC na hindi saklaw ng nasabing bagong work scheme ang Fiscal Management and Budget Office, Office of the Bar Confidant, Medical and Dental Services, Fiscal Management Office ng OCA, Office of Administrative Services, Security Division at Maintenance Division, dahil hindi raw maaaring gawin ang mga trabaho nito sa kani-kanilang tahanan at madalas na kinakailangan ng overtime work.