-- Advertisements --

Dadaan sa pre-trial proceedings si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na mailipat na siya sa The Hague, Netherlands, kung saan nakabase ang International Criminal Court (ICC)

Dito, tutukuyin ng ICC judges kung may sapat na ebidensiya para sa full trial sa kaso ng dating Pangulo.

Sakaling mag-proceed ang kaso, haharap si Duterte sa pag-uusig ng panel of judges kasabay ng pagpresenta ng mga testimoniya ng mga testigo at documentary evidence laban sa kaniya.

Kung sakaling ma-convict, maaaring maharap ang dating Pangulo sa sentensiyang pagkakakulong kung saan ang karaniwang inihahatol ng ICC ay umaabot ng ilang dekada hanggang sa habambuhay na pagkakakulong.

Subalit maaaring abutin ng ilang taon ang proseso dahil sa mga posibilidad ng pag-apela ng kampo ng dating Pangulo o pagkaantala dahil sa political maneuvering ng kaniyang mga supporter.

Ang pag-aresto at pag-usig naman sa dating lider ng isang bansa ay nakikitang isang makabuluhang pagsubok sa kakayahan ng ICC na ipatupad ang international law at panagutin ang makapangyarihan personalidad