-- Advertisements --

Nagpasaring si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte na ‘veering towards a dictatorship’ ang administrasyon
ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging mga paunang pahayag nito sa naging Cebu Indignation Rally nitong Sabado.

Ayon sa dating pangulo, hindi umano niya nakikita na bababa sa kaniyang posisyon si PBBM kapag natapos na ang kaniyang termino bilang Pangulo sa 2028 na siyang hinalintulad ng dating Pangulo sa naging panahon ni Marcos Sr. sa ilalim ng martial law.

Gaya umano ng kaniyang ama, magpapatupad din aniya ng Martial Law si PBBM at malalagay muli sa sigalot ang bansa dahil ipagbabawal umano sa ilalim nito ang eleksyon.

Kasunod nito ay nakiusap din ang dating opisyal sa mga kapulisan na gumawa umano ang mga ito ng mga moral na desisyon at huwag lamang basta sumunod. Magbigay din umano ng atensyon ang mga ito at alamin palagi kung ano ang tama at mali.

Samantala, ang naging people’s rally sa Cebu ay hindi lamang bahagi ng pangangampaniya ng partido ni Duterte ngunit tumataliwas din sa impeahment ni Vice President Sara Duterte.