-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ipapasubasta ni Former President Rodrigo Duterte ang kanyang pangmalakasang motorsiklo upang makalikom ng pondo para sa mga batang nangangailangan.

Sa nalalapit na ika-26 National Federation of Motorcycle Clubs of the Philippines Annual Convention isasagawa ang pagsusubasta.

Ang nasabing motorsiklo ay may pirma pa ng dating Pangulo. Samantalang ang pundo naman na malilikom sa auction ay ibibigay sa Field of Dreams Children’s Charity Foundation, isang non-government organization sa Biao Guianga, Mintal, isang charity para sa mga batang ulila na sa magulang.

Maalalang sakay sa paborito nitong BMW R1250 GS Style Triple Black ay nagride ang dating Pangulo ang Davao City.

Kilala ng nakararami si Former President Duterte na isa sa mga tigasin sa larangan ng pagmomotor pero may busilak naman na sa puso para sa mga bata.

Magsisimula ang NFMCP Annual Convention 2023 dito sa Davao City mula Abril 28 hanggang 29, nitong kasalukuyan.