-- Advertisements --

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na itinalaga ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isang abogadong British bilang lead counsel sa kaniyang kaso sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ito ay si Nicholas Kaufman na isa sa roster of counsel sa ICC.

Ayon Kay VP Sara, nakausap nila ang abogado noong Sabado at nakatakda silang magpulong ng personal kasama ang British lawyer sa oras na dumating ito sa Netherlands.

Matatandaan, humarap sa unang pagkakataon ang dating Pangulo sa international tribunal sa pamamagitan ng video link noong gabi ng Biyernes, Marso 14, oras sa Pilipinas, 3 araw mula ng arestuhin siya noong Martes at inilipad patungong The Hague, dahil sa umano’y na-commit nitong crimes against humanity sa panahon ng war on drugs mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019, kung saan miyembro pa noon ng ICC ang Pilipinas.

Itinakda naman ang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso laban sa dating Pangulo sa Setyembre 23 ng kasalukuyang taon.