Nagbabala si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte na kung hindi kayang bigyang linaw ng administrasyon ang mga naging deliberasyon sa panukalang budget para sa taong 2025, sasabihan niya umano ang publiko na huwag na magbayad ng buwis.
Ayon pa sa dating pangulo, kung hindi ito kayang bigyan ng eksplenasyon ay sayang umano ang ibinabayad ng publiko lalo kung hindi aniya alam ng mga ito kung saan napupunta ang kani-kanilang mga pera.
Hindi rin aniya tama na iwanang blangko ang ilang bahagi ng panukalang budget dahil hindi umano ito naaayon sa batas ng bansa lalo kung ito ay budget na aprubado ng pinakamataas na opisyal ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Duterte, maaari din aniya itong pagugatan ng mga iregularidad lalo kung maaari aniyang pumili ang mga nasa opisina ng halaga na gusto nila na maaari nilang dagdagan bilang reserba.
Nauna na dito ay kung sino aniya ang nasa likod ng mga anomalyang ito ay posibleng humarap sa maraming legal consequences isa din aniya sa maaaring harapin nito ay pagkakakulong.
Hindi rin aniya matatakasan ng taong ito ang legal process at huridikasyon ng korte dahil malikot umano ang pagaayos ng papeles sa loob ng bansa.
Huwag na sana aniya ito gawin pa lalo ng mga opisyal na may balak pa maglagay ng reserba para sa panukalang pondo.