Nagbigay ng kaniyang saloobin si dating pangulo Rodrigo Duterte tungkol sa mga napansin niyang iregularidad sa pagpapasa ng National Budget para sa taong 2025.
Ayon sa dating pangulo, ang pagpapasa ng National Budget ng halos “blangko” ang ilang bahagi ay ‘invalid’ at hindi dapat ipinasa simula pa lamang ng ito ay dumating sa kongreso para sa deliberasyon nito.
Nagpaalala din ang dating pangulo sa mababang kapulungan na ito sana ay pagaralan at itamang muli dahil ito aniya ay hindi naaayon sa batas.
Marapat lamang aniya na humingi ng paliwanag ang Kamara kung bakit dumating ang budget sa kanilang opisina ng halos “blangko” dahil may kapangyarihan naman aniya ang kongreso na kwestyunin at pagpaliwanagin ang bumuo ng naturang budget.
Nauna na dito ay pinaalalahanan naman ng dating pangulo ang publiko na lahat ng tungkol sa budget para sa taong 2025 ay dapat naipapaliwanag ng maayos sa kanila at malinaw kung ano ang paggagamitan ng mga ito.
Samantala, hindi rin aniya tama na iwanan ang ilang bahagi ng budget na walang laman at tsaka na lamang lalagyan kung kailan kailanganin. Nakikita rin ng dating opisyal na ito ay isang uri ng anomalya at paglabag sa batas.