-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno o kilalang bilang Quiapo Church ang pagkakaroon nila ng bagong parish priest.

Itinalaga ng Archdiocese of Manila si Father Ramon Jade Licuanan na siyang mamumuno ng minor basilica sa susunod na buwan.

Papalitan ng nasabing padre si Father Rufino “Jun” Sescon Jr na itinalaga bilang bagong obispo ng Diocese ng Balanga.

Bago ang pagkakatalaga nito ay naging parish priest si Licuanan sa San Felipe Neri Parish sa lungsod ng Mandaluyong.

Siya rin ang kasalukuyang Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth, ganun din ang Commissioner of Manila Archdioceses-Commission on Youth.