Pumanaw na ang Argentinian missionary na si Rev. Fr. Luciano Felloni sa edad na 51.
Siya ang social communications director ng Dioceses ng Novaliches.
Kinumpirma ng Diocese of Novaliches na ito dinapuan ng isang cancer.
Naging matunog ang pangalan niya dahil sa tinulungan niya ang mga drug addicts na mabago ang buhay sa pamamagitan ng kaniyang parish-based rehabilitation program.
Nagpapatakbo siya maliit na counselling group kung saan ang mga nagtatapos sa kaniyang programa ay tinatanggal na sa drug watchlist ng Philippine National Police.
Ipinapakalat niya ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang social media na tinawag na “AlmuSalita”.
Pagdating niya sa bansa noong 2000 ay unang itinalaga ito sa Mother of Divine Providence sa Payatas, Quezon City at nagpatakbo ng rehabilitation program sa mga drug users noong itinalaga sa Our Lady of Lourdes Parish sa Caloocan City.
Huling assignment nito ay sa Krstong Hari Parish-Shrine of the Youth sa Quezon City.