Itinalaga ni Pope Francis si Father Eliseo Napiere ng Mission Society of the Philippines (MSP) bilang superiorindependent mission) of Funafuti ang capital ng Pacific island na bansang Tuvalu.
Papalitan nito si Bishop Reynaldo Getalado na inordinahan at itinalagang coadjutor bishop ng Rarotonga sa Cook Islands noong Abril 27.
Ang 58-anyos na pari ay naging parish priest ng Saint Jmaes the Less Perris Parish na bahagi ng US diocese ng San Bernardino sa California mula noong 2018.
Taong 2016 ng na-aasigned sa US at nagsilbi sa vicar ng Saint Edward Parish.
Isinilang siya sa bayan ng Maribojoc sa probinsya ng Bohol na inordinahan na pari noong Enero 19, 1991.
Matapos nito ay naging parish vicar siya sa Blessed Sacrament Parish sa lungsod ng Cebu mula 1991 hanggang 1992 at Scholastic Director and Procurator of Fil-Mission Seminary Tagaytay City muala 1992 hanggang 1994 at matapos niyan ay naging Mission Society of the Philippines (MSP) General Council at Bursar General.
Taong 2002 ng ipinadala siya sa missionary to Diocese of Taichung sa Taiwan at nanilbihan hanggang 2016.